AABOT sa 25 ektarya na full grown na taniman ng saging ng DOLE-Stanfilco sa Brgy. Anahao Daan, Tago, Surigao del Sur ang winasak ng mga New People’s Army (NPA) dakong alas-8:00 ng gabi.
Nabatid na inatake rin ng mga armadong grupo ang bodega ng DOLE saka ninakaw ang mga nakatagong rubber shoes habang agad namang tumakas ang hindi pa mabatid na bilang ng mga NPA patungo sa bukiring bahagi ng naturang lugar.
Kasalukuyan pa ring inaalam kung magkano ang halaga ng napinsala ng nasabing panununog.
Naglunsad na rin ng pursuit operation ang mga tropa ng pamahalaan laban sa mga rebelde.