MAITUTURING na “record breaking” ang dami ng bakasyunistang dumagsa ngayong Semana Santa sa Boracay.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), karamihan sa mga turista na dumayo sa Boracay ay mga Chinese, Korean at European nationals.
Marami rin ang mula sa China, Hong Kong, Japan at Taiwan.
Sa mga nakalipas namang taon ay hindi masyadong dinagsa ng turista mula sa Middle East ngunit ngayon ay kapansin-pansin din ang biglang pagtaas ng bilang ng turista mula sa nabanggit na bansa ngayong Semana Santa.
Maaaring ito ay dahil mayroon nang direct flights sa Kalibo International Airport kung saan ilang minuto na lamang ang tatahakin at mararating na ng mga turista ang Boracay.
Target naman ng provincial government na maabot ang target na 1.5 milyon na tourist arrival ngayong 2013 ngunit wala pa man sa kalagitnaan ng taon ay tila maaabot na ang nasabing bilang lalo na ngayong summer season.