DALAWANG lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan ng awtoridad na nakasilid sa sako at itinapon sa kahabaan ng Sanciangco St., Tonsuya Malabon City, kaninang umaga.
Kapwa may maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sina Arnel Mamon Castro 19, at ang pinsan nitong si Reynaldo Castro, 21, ng R-10 Northbay Boulevard South Navotas City.
Sa ulat, alas 10:00 kaninang umaga nang matagpuan ng mga bangkay ng biktima sa isang masukal na waterlily sa kanal na kapwa nakasilid sa magkahiwalay na sako at itinapon sa nasabing lugar.
Nakilala ang mga biktima matapos kumpirmahin ni Gng. Clemencia Rebina na kanya itong mga apo.
Ayon pa sa lola, dakong alas 3:00 ng hapon nitong nakaraang linggo nang umalis ang magpinasan sa kanilang bahay para magtungo lamang sa Phase 1 Area 1 NBBS.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pagpaslang sa magpinsan.