PINALAYA na ng Malaysian government ang 42 sa 116 na inaresto matapos paghinalaang may kaugnayan sa pamilya Kiram na sangkot sa nangyaring gulo sa isla ng Sabah.
Bagama’t tumangging magbigay ng karagdagang detalye, sinabi ni Malaysian Deputy Police Inspector General Khalid Abu Bakar na mananatili pa rin sa kanilang kostudiya ang mga natitirang suspek habang iniimbestigahan sa ilalim ng security act ng kanilang bansa.
Maliban sa natitirang tauhan ni Rajah Muda Kiram, nagsagsawa na rin sila ng follow-up operations sa ilang personalidad na patuloy na tumutulong sa grupo.
Sinabi pa ng opisyal na karamihan sa mga ito ay naka-base sa Semporna at Sandakan.