BUKING ang tangkang pagpupuslit ng shabu ng isang 13-anyos na binatilyo sa loob ng South Cotabato Provincial Jail.
Bumisita sa kamag-anak na preso ang hindi pinangalanang bata sa naturang kulungan ngunit nang inspeksyunin ang dala nitong pagkain ay nabukong iniligay sa hamburger ang isang sachet na pinaniniwalaang shabu.
Dahil dito mas hinigpitan na ang seguridad sa loob ng kulungan.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa presong si Jonas Garfin na siyang binisita ng bata na iti-nurn over naman sa DSWD.