ISENTRO ang oras sa mga gawaing simbahan ngayong Holy Week.
Ito ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalatayang Katoliko.
Kasabay nito sinabi ng CBCP na hindi nila sinusuportahan ang anomang uri ng penetensiya o pananakit sa sarili lalo na ang pagpapako sa krus.
Ayon kay Cebu archbishop at CBCP President Jose Palma, sa halip na saktan ang sarili para lamang gunitain ang Holy Week ay mas dapat na pahagalahan ang pagdarasal, pag-aayuno, pangungumpisal at pagninilay-nilay.
Binigyan diin ng arsobispo na dapat ay lubos na kilalanin at tanggapin sa ating sarili ang Panginoon upang maibahagi sa lahat ang pagmamahal.