MULING nagpaalala ngayon si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., sa mga politiko na bawal mangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo.
Ayon kay Brillantes, dalawang araw lamang ang kanilang palilipasin kaya magtiis muna ang mga politikong mangampanya sa mga nasabing araw.
Salig sa Section 5 ng Republic Act 7166, ipinagbabawal ng batas ang mangampanya sa nabanggit na mga araw tuwing sasapit ang Semana Santa.
Ayon sa Comelec, itinakda ang campaign period sa Marso 29 para sa local candidates ngunit nataon itong Biyernes Santo kaya ginawa na lamang itong Marso 30.
Posible namang makulong ng isa hanggag anim na taon, diskwapikasyon at pagtanggal sa karapatang bumoto at mahalal sa anomang puwesto sa pamahalaan ang sinomang lalabag sa nasabing kautusan.