NALAGLAG sa mga tauhan ng Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA) at alagad ng Philippine National Police ang tinaguriang number one drug pusher sa Leyte.
Sa report sa radyo, kinilala ang nadakip na si Fernando Mabili.
Naaresto ang suspek matapos na bentahan ang nagpanggap na poseur-buyer sa isang pension house sa lalawigan.
Nakumpiska sa suspek ang mahigit kumulang na 300 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P300,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.