NAGDULOT ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang pagtagilid ng isang trak na may kargang sako-sakong harina at mantika sa may eastbound lane ng Araneta Underpass sa Quezon City, Martes ng umaga.
Batay sa ulat sa radyo, nanggaling sa Divisoria ang trak at patungong Commonwealth Avenue nang mawalan ng kontrol ang drayber nito sa manibela at nawalan ng balanse.
Dalawang lane ng underpass ang inokupa ng tumagilid na trak kaya naman nagdulot ito ng trapik para sa mga galing sa Welcome Rotonda na papuntang Edsa.
Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.