NATAGPUANG patay ang isang kasisilang na sanggol sa Barangay Manicahan, Zamboanga City.
Ayon sa pahayag ng isang Alvin Francisco, nasa loob ng sako ang sanggol na nakabalot ng itim na tela nang matagpuan ito ng kanyang pamangkin sa likod ng inuupahang bahay ng mga magulang ng beybi.
Agad namang naaresto ng pulisya ang ama ng sanggol na 17-anyos at umaming kinabahan umano siya at hindi na nakahingi pa ng tulong.
Nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang 16-anyos na ina ng bata.
Mahaharap ang mga magulang ng sanggol sa kasong infanticide.