ITINAAS na sa heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) ang buong puwersa nito para tiyakin ang seguridad ngayong Holy Week.
Nagbigay ng direktiba si PNP Chief Police Director General Alan Purisima na paigtingin ang seguridad ngayong Holy Week.
Pinababantayan sa mga tauhan ng PNP ang mga destinasyon ng turista o ang mga matataong lugar gaya simbahan, terminals, paliparan, daungan at istasyon ng tren
Inatasan din ng PNP ang mga kapulisan na mahigpit na bantayan ang kanilang mga nasasakupan para sa mga ikakasang aktibidad ngayong Lenten season.
Naka-full alert status naman ang PNP units sa Mindanao pati na ang SAF.