PATAY ang isang negosyante habang sugatan ang kanyang misis makaraang tambangan sa Sulit, Polomolok, South Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Jun Chan, negosyante, habang ang misis na kasalukuyang nakaratay sa isang ospital ay si Dr. Luzviminda Huelar Chan, dentista na taga-GenSan.
Nabatid na nagtungo ang mag-asawa sa kanilang farm sa Sulit nang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang katao ang kanilang sasakyan.
Agad na nasawi si Jun nang barilin ng mga suspek.
Sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo sa pananambang.