KINASUHAN na ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang dalawang opisyal ng UP Manila kaugnay ng freshmen student na si Kristel Tejada.
Sina UP Manila Chancellor Manuel Agulto at Vice Chancellor for Academic Affairs Marie Josephine De Luma ay sinampahan na ng naturang paglabag sa Office of the Ombudsman.
Kabilang sa mga nagreklamo ay sina Atty. Dean Rudyard Avila at Atty. Argee Guevarra, kapwa UP alumni.
Ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang opisyal ay kaugnay sa ipinalabas na memorandum ng pamatansan kung saan ipinag-uutos umano ang “de-listing” at “leave of absence” sa mga estudyanteng hindi makapagbabayad ng matrikula.
Ayon kay Atty. Avila, nilalabag ng naturang memorandum ang nakasaad sa charter ng pamantasan na nagdidikta ng proteksyon para sa mga estudyante.
Magugunitang si Kristel ay nagpakamatay dahil walang pambayad ng tuition fee.
Si Kristel ay inilibing na sa Manila North Cemetery.