BUBOG ang inabot ng isang ginang sa kanyang selosong asawa sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, Sabado ng umaga.
Pinaghahanap ng awtoridad si Eddie Gale, 33-anyos, taga-Capak St., ng lungsod at miyembro umano ng Philippine Practical Shooter Association.
Sa pahayag ng biktima na nakilalang si Mary Grace Gale, dakong alas-11:00 ng umaga, nagtatalo sila ng mister sa loob ng kanilang bahay dahil may pinagseselosan ang huli.
Nang magkainitan ay biglang pinagsusuntok ng suspek ang asawa na naging dahilan upang magdugo ang mukha ng ginang.
Ilang kapitbahay ang humingi ng tulong sa mga barangay tanod subalit nag-alinlangan na respondehan dahil alam na may baril at asintado ang suspek.
Nagkaroon ng pagkakataon na makalabas ng bahay ang biktima na agad na nagpunta sa presinto at humingi ng tulong sa mga pulis.
Nang respondehan ay nakaalis na at nakatakas ang suspek.