MAGPAPATUPAD ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang Flying V bukas (Linggo).
Sa report sa radyo, mamayang hatinggabi, babawasan ng 25 sentimo sa kada litro ang presyo ng AVGas, Rush, Thunder, Leadfree at Regular.
Tatapyasan naman ng 55 sentimos ang bawat litro ng biodiesel.
Ang rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan sa world market.