AYAW patulan ng Malakanyang ang pasaring ng isang senior Catholic bishop na kailangang alisin na ang pork barrel funds ng mga mambabatas dahil napupunta lamang ito sa kani-kanilang mga bulsa..
Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nag-ayos ng sistema na gagamitin ng mga mambabatasang kanilang pork barrel sa tama.
“Ang thrust natin (Our thrust) is to make sure PDAF (Priority Development Assistance Fund) is used in accordance with purposes set by law, and there are measures in place to make spending efficient and make the process transparent,” ayon kay Usec. Valte.
Kamakailan ay nagpahayag si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na panahon na upang alisin ang pork barrel ng mga mambabatas dahil ugat lamang ito ng korapsyon.
Bukod dito, marami aniyang kandidato sa pagka-senador at kongresista ang tumatakbo ngayong l sa pork barrel funds.
Tinuran nito na katungkulan ng mga mambabatas ang gumawa at mag-implementa ng batas at hindi ang mangurakot.
Alam mo ‘yung pagdating diyan sa pork barrel, marami na tayong nagiging hakbang to make the use of the pork barrel more transparent, at nakikita naman po natin ngayon ‘yan sa DBM website. The public can easily see when the funds are released. At pangalawa po diyan, nakipag-tulungan po tayo doon sa ating mga mambabatas sa pamamagitan po ‘yan ni Secretary Butch Abad kung ano ho ‘yung mga guidelines, kung papaano ho gagamitin ‘yung kanilang— kung paano ho mag-a-identify ng proyekto. Gusto ko lang, ano…
Sinabi pa rin ng opisyal na hindi naman direkltang napupunta ang pork barrel funds sa mga mambabatas kundi sa implementing agencies ng proyektong nais na mapagtagumpayan ng isang mambabatas.
“As a matter of a clarification, marami po kasi sa ating mga kababayan ang iniisip ‘yung PDAF napupunta po ‘yang pondo doon sa mismong mambabatas, hindi po ganoon. That’s not the case. The lawmaker identifies a project under a particular menu and then sends the required papers to DBM. If that is approved already, if it’s released, the fund goes to the implementing agency and not to the legislator himself or herself. So we’ve instituted measures already since the President assumed office in 2010 to make the use of the PDAF more transparent and to make it more— make the details more accessible to the public,” ani Usec. Valte./Kris Jose