UMAASA si Pangulong Benigno Aquino III na hindi na mauulit ang madugong Atimonan, Quezon rubout sa pagsapit ng halalan sa bansa.
Kaya nga, pinagsabihan nito ang mga bagong nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite na huwag matulad sa mga pulis na sangkot sa nasabing insidente.
Isa aniya ito sa mga kontrobersyang nagbigay ng kalawang sa imahe ng PNP.
Sinabi ng Chief Executive na hindi dapat inilalagay sa kamay ng isang pulis ang batas at dapat managot ang mga iniimbestigahang sangkot sa krimen.
Kumbinsido si Pangulong Aquino na magiging katuwang ang mga bagong pulis sa pagtiyak ng malinis at tapat na halalan.