NANANAWAGAN ng moratorium sa pagtataas ng matrikula ang mga kongresista.
Ginawa nina Team PNoy senatorial candidate at Aurora Rep. Sonny Angara at Bayan Muna Rep. Teddy Casino ang apela sa administrasyong Aquino bunsod na rin ng insidente ng pagpapakamatay ng UP student na si Kristel Tejada.
Nais ng mga kongresista na ang moratorium ay ipatupad sa darating na pasukan.
“It is the mandate of the SUCs to provide affordable college education . It is clear in their charters,” ani Angara, chairman ng House committee on higher and technical education.
Kailangan aniyang magsilbing wake-up call ang kaso ni Kristel na nabigong makapag-enroll nitong nagdaang sem dahil sa kakulangan ng pambayad sa UP.
Sa panig naman ni Casino ay moratorium sa tuition fee hindi lamang sa pampubliko kundi sa mga pribadong kolehiyo at unibersidad din.
“Our schools, both public and private, have been citing inflation and increasing cost of operations to justify tuition increases and charging of numerous miscellaneous fees, but government has been doing nothing to balance the situation, considering the fact that the people are also victims of price hikes. Increasing tuition, especially UP’s three-fold increase, only worsened the burdened of Filipino families,” ayon kay Casino.