Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 Magdalo member kulong ng 6-12 taon

$
0
0

ANIM hanggang 12-taong pagkakabilanggo ang ipinataw ng Makati Regional Trial Court (RTC) sa dalawang miyembro ng Magdalo group na lumahok sa kudeta sa Oakwood, Makati City noong Hulyo 27, 2003.

Inilabas ni Judge Andres Bartolome Soriano ng Makati RTC Branch 148 ang hatol laban kina 1st Lt. Rex Bolo at 1st Lt. Lawrence San Juan matapos mapatunayang “guilty” ang dalawa sa kasong kudeta na isinampa laban sa kanila ng tagausig ng pamahalaan.

Sa desisyon ng korte, bagama’t hindi naman tumayo bilang pinuno ng kudeta ang dalawa, lumahok naman sila sa isinagawang pag-aaklas laban sa pamahalaan.

Hindi naman kinagat ng hukuman ang depensa ng dalawa na hindi kudeta ang kanilang ginawa dahil sa isang pribadong gusali ginanap ang kanilang hakbang.

Kinatigan ng hukuman ang paggigiit ni Makati Senior Assistant City Prosecutor Richard Anthony Pagullon na kahit hindi pampublikong lugar ginanap ang pag-aaklas, malinaw na isang paglaban sa pamahalaan ang ginawa ng grupo.

Kung tinugunan lamang ng dalawa ang alok na amnestiya ng gobyerno kung saan 29-na sundalo ang pumayag sa naturang alok ay hindi sana umano sila mapapatawan ng pagkakabilanggo.

Ikinatuwiran ng dalawa na hindi nila tinanggap ang amnestiya dahil nais pa nilang bumalik sa serbisyo at malakas ang kanilang paniniwala na mapapawalang sala sila sa kaso.

Tiniyak naman ng abogado ng dalawang sundalo na iaakyat nila sa Court of Appeals ang usapin sa paniwalang mababaligtad dito ang hatol ng mababang korte.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>