Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Holdaper ‘di umubra sa palabang estudyante

$
0
0

BALIK kulungan ang bagong layang holdaper matapos maagawan ng baril ng hinoldap na estudyante na kasakay sa dyip sa Caloocan City, Biyernes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Emerson Camba, 32-anyos at taga-Mithi St., ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10 ng umaga, kasakay ng suspek ang estudyanteng si Jonathan Tacorda, 18-anyos at pagsapit sa C-3 Road ay naglabas ng kalibre .38 ang suspek at itinutok sa biktima.

Kinukuha ng suspek ang cellphone ng biktima subalit nagawang mahawakan ng huli ang baril at nakipagbuno hanggang sa maagaw ang dalang baril ng kawatan.

Nagtatakbo ang suspek na nakita ng barangay tanod ng Barangay 28 at nagawang madakip at madala sa presinto.

Nabawi din ang cellphone ng biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>