MULING ipinadadakip ng 2nd Division ng Sandiganbayan si suspended Cebu Governor Gwendolyn Garcia matapos mabigong dumalo sa pagbasa ng sakdal sa kinakaharap na kasong graft at malversation.
Ang kaso ay kaugnay sa kwestyunableng pagbili nito ng Balili property noong 2008.
Matatandaan na taong 2008 nang bilhin ng provincial government ng Cebu ang P98.9 milyong Balili Estate sa Tinaan, Naga Cebu na kinalaunan ay natuklasan ng Office of the Ombudsman na nakalubog sa dagat ang malaking bahagi ng ari-arian at hindi pwedeng gamitin sa pinaplanong imprastraktura.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na warrant of arrest ang kampo ni Garcia.