NASA tamang edad na si Heart Evangelista para magdesisyon sa kanyang sarili partikular sa usapin ng puso.
Ito ang payo ni Senadora Miriam Defensor Santiago sa mga magulang ng aktres kaugnay sa pakikipagrelasyon kay Senador Francis Escudero na kung saan hindi naman ito ang unang pagkakataon na umibig at nabigo ang aktres.
“It’s time for the family to let go of Heart because she’s 28. I think the best thing to do is let go, she has to learn her lessons her way,” ani Santiago sa phone interview na ginawa ng Senate reporters kanina.
Ang pahayag ni Santiago ay bilang reaksyon sa pagsasapubliko ng magulang ni Heart sa hindi magandang pag-uugaling ipinakikita ni Escudero sa kanila.
Malapit si Santiago hindi lamang kay Heart kundi sa pamilya nito na kung saan naipaalam na rin sa kanya ng mga magulang nito ang kanilang problema kay Escudero.
Subali’t nagulat lamang ang senadora nang ihayag ito sa publiko.
Ayon kay Santiago, nag-aalala lamang ang magulang ni Heart sa tuwing magkakaroon ng karelasyon ang kanilang anak dahil sa may “behavorial pattern” na ito.
Gayunpaman, sinabi ng senadora na wala siyang papanigan kundi pakikinggan lamang niya ang magkabilang panig at pansamantalang lalayo muna kay Heart.
“I am close not only to Heart but to her family so I don’t want to take sides basically it’s a cowardly position… but this is a very highly emotionally charged situation plus this will impact not only on the political fortune of Chiz but even the marketability or market appeal of Heart so it has many consequences for the two parties involved,” diin ng senadora.
Subali’t bilang magulang, hiniling din ni Santiago kay Escudero na makipag-ayos ito sa magulang ni Heart.
“Amuin na lang niya yung mga magulang para walang problema. Kandidato siya, nakikipag-away siya. Why can’t he do that? That is our culture, may kasabihan tayo na ligawan mo ang mga magulang muna,” payo ng senadora.