GUSTO munang kausapin ni Pangulong Benigno Aquino III si LTFRB chairman James Jacob na walang takot na nagbitiw sa puwesto.
Sa groundbreaking ceremony ng Jesse M. Robredo Monument at briefing ng panukalang Jesse M. Robredo Museum sa Naga Civic Action Center, Naga City ay sinabi ni Pangulong Aquino na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ni Jacob.
“I haven’t had a chance to talk to him, and I would want to talk to him before I comment on that,” ani Pangulong Aquino.
Sa ulat, kinumpirma mismo ni Jacob ang pagbibitiw sa pwesto kaalinsabay ng pagpapalabas ng hinaing laban sa Department of Transportation and Communications (DoTC).
Aniya, nagbitiw siya sa puwesto dahil sa pagkunsinti ng DoTC officials sa colorum buses at hindi man lang nakapagpatupad ng reporma sa loob ng dalawang taon.