IIMBITAHAN ng Kamara ang U.N. Commission on Human Rights na magpunta sa Pilipinas para tingnan ang kalagayan ng Human Rights Violation laban sa indigenous communities o mga katutubo.
Sa House Resolution 2989 ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, tinukoy nitong lantad at maraming kaso ng pagpatay at paglabag sa karapatan ng mga katutubo ang nagaganap sa bansa na dapat mabigyang pansin ng pamahalaan.
Tinawag nitong ‘Genocide’ ang pagpatay sa mga katutubo na kasama rito ang mga kababaihan at kabataan.
Sinabi pa ni Baguilat na nakatanggap din ang House Committee on National Cultural Communities na kanyang pinamumunuan ng mga ulat ng diskriminasyon at pangaabuso sa mga katutubo.
Sinabi pa nito na bagamat gumagawa ng aksyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP), National Commission on Indigenous Peoples, Commission on Human Rights, at iba pang ahensya ng pamahalaan ay kailangan ng third party para masuri ang sitwasyon ng human rights sa bansa.
Makatutulong umano ito para magkaroon ng mas matatag na pamahalaan na magiging responsable sa human rights violation laban sa mga indigenous people at para maprotektahan din ang mga ito.