BUKOD sa Philippine National Police (PNP) at Department of Health (DoH), nagpa-alala na rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng gulong sa kalsada kasabay ng nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay DPWH Sec. Rogelio Singson, hindi tama ang magsunog ng gulong at iba pang katulad na materyales bilang pagsalubong sa Bagong Taon dahil maaari mapinsala ang kalsada lalo na sa mga aespaltadong lansangan.
Bukod pa rito, nagiging sagabal sa daraanan ng mga sasakyan at nakadaragdag pa sa nararanasang polusyon na masamang malanghap ng tao.
Kaugnay nito, umapela ang kalihim sa PNP at mga local government unit na mahigpit na ipatupad ang pag-ban sa pagsusunog ng mga gulong sa kalsada.