SIRA ang kinabukasan ng 15-anyos na dalagita makaraang gawing sex slave ng limang lalaki, kabilang ang apat na bagets sa Naga City.
Nabatid na ang mga suspek ay may mga edad na 16 at 14, habang ang isa ay 19.
Sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Myrna, inimbitahan siya ng mga suspek na makipag-inuman at nang malasing ay saka siya pinagsamantalahan.
Matapos siyang gawing parausan ay inihatid pa aniya siya ng mga salarin malapit sa kanilang bahay na agad naman siyang nagsumbong sa kanyang mga magulang.
Inamin naman ng mga nahuli ang krimeng nagawa.