PASADO ang anak ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na si Jose Lorenzo Sereno sa 2012 Bar examinations na inilabas ngayong araw ng Korte Suprema, isinagawa sa University of Sto. Tomas noong Oktubre 2012.
Matatandaang nag-inhibit ang punong mahistrado sa deliberasyon ng resulta ng pagsusulit at ipinaubaya na lang sa mga kasamahan ang pagtalakay dito upang maiwasan ang pag-uugnay sa kaniyang posisyon sa marka ng nakakabatang Sereno.
Nabatid na mula sa 5,686 na mga kumuha ng exam ay 949 lamang ang pinalad na makapasa.