AAPELA ang kampo ni Rep. Lucy Torres-Gomez sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) na patalsikin siya bilang kongresista sa Ormoc, Leyte.
Ani Lucy, nagulat siya sa ruling ng SC na nagsasabing hindi valid ang paghalili niya sa kanyang mister na si Richard Gomez bilang kandidato noong May 2010 elections dahil sa nagkulang ang kanyang mister sa residency requirement.
Ayon naman sa abogado ni Lucy, isang serious and reversible error ang naging ruling ng Korte Suprema pero sa huli ay makakamit din at mangingibabaw ang hustisya.
“We humbly believe this is a serious and reversible error. In the meantime, Congresswoman Lucy shall continue to discharge her duties as the duly-elected representative of the fourth district of Leyte. We are confident that in the end, justice shall be served only to those who deserve.”
Una rito, sa en banc session ng SC, pitong mahistrado ang bomoto pabor sa pagpatalsik kay Torres bilang kongresista habang apat ang tutol at apat naman ang nag-abstain.