NAWAWALA ang P1 milyong idedeposito sana ng isang STL employee sa banko nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang suspek sa Alicia, Isabela .
Kinilala ang biktima na si Rene Maravilla, ng Lipa City, Batangas,
Nabatid na sakay ng kotse ang biktima patungo sana ng Cauayan City upang ideposito ang dalang P1 milyon na koleksyon mula sa STL nang harangin at barilin ng salarin.
Tama ng bala ng baril sa dibdib ang umutas sa buhay ni Maravilla.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.