MAGA ang mukha at sugatan ang isang kolektor nang pagnakawan at saktan ng kanyang mga hindi pinautang sa Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jose Clavillas, kolektor ng Bless Micro-finance, habang ang mga suspek ay sina Jose Garcia at Francis Mabansay.
Nabatid na sakay ng kanyang motor si Clavillas nang agawin ni Mabansay ang P20,000 na hawak nito ngunit nang lumaban ang una ay hinampas na siya ng kahoy ni Garcia.
Natangay man ng isa sa mga suspek ang pera ay nahuli naman ng mga pulis si Garcia.
Sa presinto, inamin ni Garcia na nagawa nila ang krimen dahil hindi sila pinautang ni Clavillas.