LUBAYAN mo na ang anak namin!
Ito ang matigas na salitang binitiwan ng mga magulang ng aktres na si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero.
Ani Mr. and Mrs. Cecil and Rey Ongpauco, hindi nila gusto ang ugali ng senator dahil madalas ay sinisigawan nito ang kanilang anak.
Minsan pa raw ay lasing na humarap sa kanila si Chiz na pagpapakita lamang ng pagiging bastos nito.
Si Chiz din umano ang dahilan kung bakit nagiging bastos na ang kanilang anak.
Samantala, sa panayam kay Heart, inamin nito na hindi nga boto ang kanyang magulang sa relasyon nila ng senator.
“This is not the first time na may inayawan silang karelasyon ko. Una ay kay Jericho Rosales, pero dahil bata pa ako noon, ipinaubaya ko ang relasyon ko sa kanila. Pero ngayon, nakita ko na ang lalaking totoong nagpapasaya sa akin, kaya sana ibigay na nila sa akin to.”
Ayaw naman magbigay ng pahayag ni Sen. Chiz sa pagsasabing ayaw niyang makialam sa ano mang hindi pagkakaunawaan ng kanyang nobya at mga magulang nito.