IGINAGALANG ng liderato ng Kamara ang inisyung status quo ante order ng Korte Suprema sa implementasyon ng Reproductive Health Law.
“We respect the status quo ante order issued today by the Supreme Court on the Responsible Parenthood and Reproductive Health law. This is well within the court’s power and just a temporary setback,” ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr.
Patuloy na umaasa si Belmonte na magpapatuloy ang deliberasyon sa pangunahing isyu ng RH law upang maresolba sa lalong madaling panahon.
Kumbinsido naman si Team PNoy senatorial candidate at Aurora Rep. Sonny Angara na normal lamang para sa Korte Suprema na maglaan ng tamang panahon upang himayin ang batas na may nakahaing petisyon.
Ngunit paglilinaw ng kongresista na hindi nangangahulugan na may pinanigan na ang Korte Suprema.
“I think that’s customary and normal to give the court enough time to decide on the issue. This doesn’t mean though that they have decided the case in favor of the pro or the anti,” ani Angara, kilala ring tagapagtaguyod ng RH Law.