Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

‘Cory magic’ nagmilagro sa mga kandidato ni PNoy

$
0
0

NAGMILAGRO na ang “Cory Magic” na bitbit ni Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang mga kandidato sa lokal na posisyon.

Sa katunayan, dumikit na sa huling survey si Egay San Luis, kandidato ng Liberal Party para gobernador ng Laguna, sa kanyang katunggali na si ER Ejercito.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng Trends Asia, Inc. noong Pebrero 15-19, bumagsak na ang lamang ni ER kay Egay sa 9.2% mula nang mag-umpisang umikot sa pakikipag-konsultasyon sa mga taga-lalawigan.

Bukod sa nakitang kasipagan ni San Luis kumpara kay Ejercito, nakatulong din sa resulta ng survey ang pagdalo ni Pangulong Aquino sa rally ng Partido Liberal noong nakaraang Pebrero 14, sa San Pablo.

Sa talumpati ng Pangulo, naisaad nito na kahit sa isang napakahalagang pulong para sa lalawigan na idinaos sa Malakanyang ay nahuli rin ng higit sa tatlong-oras ang pagdating ng kasalukuyang gobernador na si Ejercito.

Sinabi ng pangulo na kinailangan pa na may magpaliwanag kay Ejercito kung ano ang pinag-uusapan sa pulong.

Nanguna rin sa parehong survey ang mga kandidato ng administrasyon para kongresista sa una, pangalawa at pangatlong distrito.

Nakakuha si Dan Fernandez (LP) ng 55.7% laban kay Gat Alatiit na may 6.4%; si Joaquin Chipeco ay may 39.5% laban kay Teresita Lazaro na may 16.5%; at si Ivy Aragon a may 41.8% laban kanila Sol Aragones (8.7%) at Celia Lopez (2.6%).

Posibleng talunin naman ni Atty. Antonio Carolino (24.1%) si Benjamin Agarao (20.9%) at si Bong Palacol (6.1%) sa ika-apat na distrito kung ang halalan ay gaganapin ngayon.

Si Carolino ay tumatakbo sa ilalim na ng Nacionalista Party na kasapi ng coalition ng Team PNoy.  Si Carolino ay tumakbo bilang Liberal ng siya ay magwagi bilang alkalde ng Santa Maria, Laguna noong 2010.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan