IGINAGALANG ng Malakanyang ang status quo ante order ng Korte Suprema kaugnay sa pagpapatupad ng Reproductive Health Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kinikilala nila ang desisyon ng Korte Suprema sa usaping ito.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang RH bill noong Disyembre 21, 2012 at nakatakdang sumipa ang implementasyon sa darating na Easter Sunday.
Sa botong 10-5, kinatigan ng Supreme Court (SC) ang hiling ng petitioners at itinakda ang oral argument sa June 18.
Aniya, tiwala silang maipagtatanggol ng pamahalaan ang merito ng bagong batas.
“We will observe the SQA resolution issued by the Supreme Court and we are confident that government will be able to defend the merits of the Responsible Parenthood Law,” ayon kay Sec. Lacierda.