OPISYAL nang papasok ang panahon ng tag-init sa Miyerkules sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng PAGASA, kasunod ng unti-unting pagkawala na ng hanging amihan o malamig na hanging nagmumula sa hilagang silangan ng bansa.
Nananatili naman sa 30 porsyento ang posibilidad ng namumuong sama ng panahon sa silangan ng Mindanao para maging bagong bagyo na binabantayan ngayon ng PAGASA.