INAALAM pa ng pulisya kung papaano pinatay ang isang babae na natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na patay na nang makita ang hindi pa nakikilalang babae sa loob ng kanyang bahay sa P. Tuazon Balic-Balic, kanto ng Negros St. sa nasabing lugar.
Nabatid na humingi ng tulong sa pulisya ang isang kamag-anak ng biktima nang maabutan itong patay na.
Inaalam pa ang kabuuang detalye ng krimen.