ISA pang suspek sa Maguindanao massacre ang napatay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa naganap na bakbakan sa Bgy. Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao.
Kinilala ang napatay na si Datu Dainga Ampatuan, habang limang pulis naman ang nasugatan sa parte ng awtoridad.
Bukod sa pagkakapatay sa suspek ay nasamsam din sa kanyang lungga ang 12 high powered firearms.
Si Ampatuan ay may patong sa ulo na P250,000.