ANIM katao ang namatay makaraang magbanggan ang dump truck at ang pampasaherong bus sa Sitio Timbangan, Barangay Sarmiento sa Parang, Maguindanao pasado alas-12:00 ng tanghali kanina, Marso 17.
Nabatid na papuntang Simuay ang truck habang patungo naman sa direksyon ng Pagadian City ang van na may lulang 12 pasahero.
Dalawa ang nasugatan sakay sa truck habang patuloy pang inaalam kung ilan ang nasugatan sa van kung saan agad na isinugod ang mga ito sa Cotabato Regional Hospital.
Pag-aari ng isang Mamilan Mangutara ang truck habang nakapangalan naman sa isang Ireneo Trinidad Tanghal ang van.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang aksidente.