TATLONG barangay ang tinupok ng apoy na binubuo ng 500 pamilya sa naganap na sunog sa Tondo, Manila, hatinggabi ng Sabado na umabot pa ng madaling-araw kanina.
Sa ulat ni Sr Fire Insp. Redgie Olmedo, ng Manila Fire ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-11 pasado ng gabi nang masunog sa ika 2 palapag na bahay ng isang Nora Cambry sa Barangay 8 na mabilis kumalat hanggang sa Barangay 9 at 48 sa Dagupan St., sa Tondo, dahil sa malakas na hangin.
Nabatid sa report ng BFP, umabot pa sa ika-5 alarma ang sunog , bago naideklarang fire under control bandang 12:32 ng madaling-araw.
Gayunman, binubusisi pa ng mga awtoridad kung may nasawi sa sunog , habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.