PATAY ang isang lalaki makaraang mag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon sa bubungan ng kanilang bahay sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kaninang umaga Marso 17, 2013.
Kinilala ang biktima na si Harold Diploma, 37, binata, walang trabaho, ng 362 Kasunduan Ext., Brgy. Commonwealth, QC.
Ayon kay PO2 Amante Cabatic ng Quezon City Police District Station 6 Batasan, naganap ang insidente sa Kasunduan Ext. Brgy. Commonwealth, QC dakong 11:45 ng umaga kanina.
Sinabi ni PO2 Cabatic na umakyat sa bubong ng kanilang bahay ang biktimang si Diploma saka tumalon mula sa taas nito kanyang ikinamatay.
Ayon sa ulat halos mabasag ang ulo ng biktima matapos tumama sa semento.
Sinabi ng pulisya na hinihinalang drug dependent ang biktima kung kaya nagawa niya ang naturang pagpapatiwakal.