Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Talamak na bentahan ng silver cleaner, ipinasisilip

$
0
0

lasonKINALAMPAG ng grupong EcoWaste Coalition ang Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa talamak na bentahan ng silver cleaner na ininom ng isang UP student para kitlin ang kanyang buhay.

Ayon kay Tony Dizon ng EcoWaste Coalition Project Protect, 2010 pa ang joint advisory ng dalawang kagawaran pero malaya pa ring nabibili ang silver cleaner sa halagang P10 hanggang P150, dahil sa hindi maayos na pagpapatupad nito.

Nakapaloob anya sa joint advisory na pirmado nina Health Secretary Enrique Ona at Environment Sec. Ramon Paje ang pagbabawal ng silver jewelry cleaning solution na may cyanide at iba pang nakalalasong kemikal.

Ipinagbabawal ang importasyon, paggawa at distribusyon ng silver cleaner nang walang rehistro at tamang labelling.

Umapela pa ang EcoWaste sa pamahalaan na makipag-ugnayan sa mall at jewelry stores para mapigilan ang ilegal na bentahan ng kemikal.

Ang cyanide ay kabilang sa 48 Priority Chemical List PCL) ng Pilipinas dahil sa pagiging highly-toxic sa tao at hayop.

Ang pagbuhay sa panukala ay kasunod na rin ng pagpapakamatay ng isang estudyante ng UP Manila sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner na nabili lang sa lansangan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan