NAGKAKASA na ang Commission on Higher Education (CHED) ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pagpapakamatay ni Kristel Tejada ng Uninversity of the Philippines – Manila.
Sinabi ni CHED Chair Patricia Licuanan, pagkakataon ito para mabawasan ang tution fees at mapabuti pa ang pamamahagi ng financial assistance sa mga mag-aaral lalo sa state colleges and universitives (SUCs).
Kasabay nito, umapela si Licuanan na dapat maging maingat sa pagtalakay hinggil sa pagkamatay ni Tejada.
Ayon kay Licuanan, dapat iwasan ang anumang espekulasyon sa kaso at mas lalong hindi katanggap-tanggap kung ginagamit pa ito sa pamumulitika.
Nagpahayag naman ng pakikiramay si Licuanan sa mga naulila ng biktima gayundin sa UP sa pagkawala aniya ng estudyanteng may maganda sanang kinabukasang nagghihintay.