SIMULA Enero hanggang Marso 15, may 563 dengue cases nag naitala sa Eastern Visayas.
Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang bilang ng kaso ay biglang sumirit kumpara sa nakaraang taon sa parehong petsa na may 87 na kaso lamang.
Ang karamihan sa kaso ay mula sa Leyte province, na ang Tacloban City ang may pinakamataas na bilang ng kaso.
Patuloy naman ang health authorities sa pagkasa ng mga pamamaraan para masawata at makontrol ito habang ang kaso ay kaya pang puksain.
Ayon sa kanila, ang taginit na panahon ay ang tamang oras para malinis at maalis ang mga pinagiitlugan ng mga lamok na may dengue.
Hinikayat din ang local government units na magsagawa ng madalas na clean-up drive .
Pinayuhan din ang mga Barangay officials na magsagawa rin ng clean-up drives, lalo na sa mga lugar na may naitalang mataas na kaso ng dengue.