WALA pang proxy o kinatawan si Pangulong Benigno Aquino III sa inagurasyon ni Pope Francis sa darating na Miyerkules, Marso 20 (oras sa Pilipinas).
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala pang inilalabas na abiso o pasabi ang Office of the President kung magpapadala ang Pangulo ng representative bukod kay Ambassador Tuason sa Holy See.
Sinabi pa ni Valte na tsinek (checked) na niya sa Office of the Vice President (OVP) kung may official designation kay Vice President Jejomar Binay bilang kinatawan ng Pangulo subalit hanggang ngayon aniya ay wala pa rin.