SUPORTADO ng Malakanyang ang isinusulong ng Commission on Higher Education (CHED) na masusing imbestigasyon sa pagpapatiwakal ni Kristel Tejada ng University of the Philippines – Manila.
Sa katunayan, isang text message ang ipinalabas ni CHED Chair Patricia Licuanan sa pamamagitan ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.
Sa text message ni Valte: ” The death of Kristel Tejada is a terrible tragedy. I deeply sympathize with her parents on the death of their daughter as well as with the University of the Philippines and all of us for losing someone so young and promising. But I believe that suicide is always complex and must be approached with great sensitivity. Simplistic speculation on cause does not help anyone. And using Kristel’s apparent suicide to serve a political platform, no matter how valid, is unconscionable. CHED supports a full investigation into the death of Kristel. It further supports and is involved in efforts to rationalize tuition fees as well as financial assistance to students particularly in state colleges and universities.”
Sa kabilang dako para sa ChEd, ang imbestigasyon ay magbibigay ng pagkakataon para mabawasan ang tution fees at mapabuti pa ang pamamahagi ng financial assistance sa mga mag-aaral lalo sa state colleges and universitives (SUCs).
Nauna nang umapela si Licuanan na dapat maging maingat sa pagtalakay hinggil sa pagkamatay ni Tejada.
Aniya, dapat iwasan ang anumang ispekulasyon sa kaso at mas lalong hindi katanggap-tanggap kung ginagamit pa ito sa pamumulitika.
Sa ulat, nagpahayag naman ng pakikiramay si Licuanan sa mga naulila ng biktima gayundin sa UP sa pagkawala aniya ng estudyanteng may maganda sanang kinabukasang naghihintay.