“REMINDER! Today, March 15, 2013, is the last day for government officials & employees to file their application for local absentee voting.”
Ito ang inanunsyo at mahigpit na paalala ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa kanyang twitter account sa mga empleyado ng gobyerno hinggil sa ibinigay na deadline para sa pghahain ng aplikasyon para sa absentee voting.
Una nang pinaalalahan ng poll chief ang mga kawani ng gobyerno na hanggang ngayong araw, Marso 15 na lamang ang kanilang deadline kung sila ay may trabaho sa araw ng halalan para makalahok sa absentee voting.
Giit ng poll chief na hindi na sila magbibigay pa ng extension sa apliaksyon ng LAV
Habang ang mga media personnel naman ay binigyan ng hanggang Marso 31 upabg makapagsumite ng kanilang aplikasyon lalo na yung mga magkokober sa darating na halalan.
Naglaan ng tatlong araw ang Comelec para sa absentee voting, ito ay sa Abril 28, 29 at 30.