Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

MAGKAKAROON NG NORMAL NA PAMUMUHAY ANG ODW SA ILALIM NG ECC PROGRAM

$
0
0

hilda-online-logoSANG-AYON sa direktiba ni Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, ang Employees’ Compensation Commission (ECC) bilang tagapag-balangkas ng patakaran at nagtutugma-tugma ng mga programa sa ilalim ng Employees’ Compensation Program (ECP), ay hindi dapat ituon lang sa pagbibigay ng perang benepisyo para sa mga nagkasakit o naaksidente ng dahil sa trabaho kundi tiyakin na ang Occupationally-Disabled Workers (ODWs) ay magkaroon ng normal na pamumuhay.

Tugon sa layuning ito at nang mabigyang diin ang programa, ang Employees Compensation Commission (ECC) ay gumawa ng katagang “Higit pa sa Benepisyo ang Ibinibigay na Serbisyo”.  Ang susi para matugunan ang layuning ito ay sa pamamagitan ng case management.

Pag natukoy na ang ODW, sinisigurado ng ECC na ibibigay ang karampatang serbisyo sa ilalim ng ECP sang-ayon sa pangangailangan ng bawat ODW. Simula sa pamamahagi ng occupational o physical therapy, pagbibigay ng prosthesis para sa nangangailangang ODWs, ang KaGabay Program o ang skills training at livelihood training para sa gustong pumasok sa trabaho o pagnenegosyo at ang “Special Program for the Employment of Students” (SPES) na layuning makapagbigay trabaho sa mga kwalipikadong anak ng ODWs tuwing Christmas at summer breaks.

Mahigit kumulang 82 ODWs ang nabigyan ng physical therapy at occupational therapy sa mga ospital na accredited ng ECC. Nasa labing anim (16) naman ang nabigyan ng artificial prosthesis at isang daan (100) ang nabigyan ng livelihood courses at entrepreneurship training.

Ang inyong lingkod ay nagpapaalala muli sa mga empleyado na namamasukan sa isang kompanya pero hindi nakarehistrado ang pangalan o pumayag sa kasunduan “Self Employed” ang kontribusyon sa SSS. Hindi po kayo makasasali sa programa ng ECC at walang benepisyong matatanggap kung kayo’y naaksidente o nagkasakit.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan