TADTAD ng saksak sa katawan at nakabalot sa sako ang bangkay ng isang misis nang makuha habang palutang-lutang sa isang ilog sa Batangas.
Sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Rosalie Gulpan, sinasabing pinatay ng kanyang mister na kinilala sa pangalang Rodelio.
Itinuturing namang suspek ang mister nito nang makuha ang sulat ng biktima na kanyang ginawa bago naganap ang krimen at ang biglaang pagkawala ng salarin.
Lumalabas na noon pa inirereklamo ng biktima ang pananakit sa kanya ng suspek.