Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malaysia alisin nang facilitator sa GRP-MILF talks

$
0
0

HUWAG nang isama ang Malaysia bilang third party facilitator sa peace talks sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at ng administrasyong Aquino.

Panawagan ito ng minorya sa Kamara matapos magpakita ng pagmamatigas ang Malaysia sa panawagan hindi lamang ng Pilipinas kundi ng United Nations na itigil na ang anumang pag-atake sa mga Pilipinong Muslim sa Sabah.

Sinabi pa ni House Minority Leader Danilo Suarez na dapat nang tanggalan ng papel ang Malaysia sa peacetalks at magharap na lamang ng one on one ang gobyerno at ang MILF hanggang sa makabuo ng kasunduan.

Mayroon  na aniyang conflict of interest ang Malaysia sa usapin ng Sabah at possible rin aniyang maging bantay salakay na ang asta nito sa usaping pangkapayapaan at nabahiran na ng dugo ng mga Pinoy ang kamay ng Malaysian authorities.

Sa panig naman ng susunod na Minority Leader na si Leyte Rep. Martin Romualdez, sinabi niyang palpak ang crisis management team ni Pangulong Aquino dahil marami na ang namamatay sa Sabah at nagpapatuloy pa ang pagtugis at pagpapahirap sa mga Pilipinong naroon.

Umabot na aniya ng isang buwan ang problema sa Sabah kaya’t dapat na pag-isipang mabuti ng pamahalaan ang magiging hakbang dito upang hindi na madagdagan ang mga namatay na Pilipino sa Sabah.

Tinukoy pa nito na sana ay aksyunan din ng pamahalaan ang Sabah gaya ng pagpupumilit na mailigtas ang convicted na Pinoy sa ibang bansa sa pamamagitan ng blood money.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan