Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

NCRPO chief nairita sa sunud-sunod na patayan sa Pasay

$
0
0

SA kabila ng ipinaiiral na total gun ban ng Commission on Election (Comelec), ikinairita pa rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Leonardo Espina sa nagaganap na sunod-sunod na patayan sa lungsod ng Pasay.

Napag alaman na inatasan ni Espina si Pasay City Police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca na huwag na munang matulog hangga’t hindi nadadakip ang mga suspect na nangholdap at  pumaslang sa turistang Pranses na si Hofman Pierre Paul Franz, 68  sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard noong Biyernes ng umaga.

Pinasisibak din ni Espina kay LLorca sa puwesto si Inspector Jolly Soriano, ang hepe ng Police Community Precinct (PCP) 6 na nakakasakop sa lugar  na pinangyarihan ng pamamaslang dahil sa kapabayaan at kawalan ng pulisyang nagpapatrulya sa lugar.

Karamihan umano sa mga tauhan ng PCP-6 ay nakabantay sa nagkalat na sidewalk vendors sa Baclaran at illegal terminal ng mga pampublikong sasakyan kaya’t napapabayaan ang pagpapatrulya sa mga lugar na karaniwan ng dinaraanan ng mga turista.

Napag-alaman na bumuo na rin ng task force si Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na tutugis sa mga may kagagawan ng pamamaslang. Itinalaga ni Villacorte si Senior Supt. Conrad Capa, ang deputy director ng SPD bilang hepe ng task force habang magiging deputy lamang niya si Llorca.

Magugunita na binaril at napatay ng holdaper si Franz nang tumangging ibigay ang dalang shoulder bag na naglalaman ng 750 euros at mahahalagang dokumento. Nag-aabang ng masasakyang taksi patungo sa terminal ng Victory Liner ang dayuhan, kasama ang dalawa pa niyang kababayan pasado alas-8 ng umaga nang mangyari ang insidente.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>